SARILI AT EPEKTO NG KAWALA NG
MAAYOS NA PASILIDAD SA ISPORTS


Sa panahon ngayon makkita natin sa larangan ng ibat – ibang isport ang mga pangunahing problema ay ang kawalan ng suporta para sa mayos na pasilidad na nakaka epekto sa performance ng mga manlalaro. Isa na din sa mga dahilan nito ay ang hindi pag bibigay atensyon ng gobyerno sa mga manlalaro sa mga pasilidad na kung saan nakakapag ensayo ang mga bata. May mga paslidad naman na noon pa ipinapatayo dahil sa matagalan na o kalumaan na at hindi pag papanatiling maayos ay pinagtitiyagaan nalang sa ngayon ng mga manlalaro sa kanilang pag ensayo.
Epekto ng kawalan ng mga pasilidad ay nagsisiksikan at nag – aagawan ng pwesto o hindi kaya’y nag uunahan para lang makapag ensayo ang mga manlalaro. May mga pangyayari din na sa pasilidad ng manlalaro ginaganap ang mga aktibidad ng mga estudyante o mga maliliit na okasyon. Isa itong dahilan kaya konti lang ang oras sa pag – ensayo at hindi ito sapat kaya kung minsan nga ay hindi nakakapag ensayo ang mga manlalaro Dahil din sa kawalan ng mga lugar or pasilidad ay na apektuhan tuloy ang kanilang performance tuwing ensayo mas lalo na kapag may laro na ang mga bata. Nakaka apekto din sa mga atleta ang mga sira – sirang kagamitan, pasilidad na pwede din ikasanhi ng kanilang injury or baka sila ay mapahamak sa kadahilan upang sila ay mahinto sa kanilang pag ensayo na ikakabahala ng nakakarami isa na rito a ang mga basketball court sa kalsada.

Base dito sana naman ay bigyan na agad ng aksyon ang mga suliraning ito. Hindi lang naman ang mga atleta ang makikinabang kundi tayong lahat dahil kung mabibigyan ito ng atensyon at magagawan ng paraan hindi na mahiirapan ang ating manlalaro. Makakapag ensayo na ng maayos at siguradong sa mismong tunay na kompetisyon ay masusungkit ang gintong medalya. Dahil dito uunlad at mas makikilala pa ang ating bansa sa larang ng isport at palakasan.



Comments

Popular Posts